Unang Hakbang Sa Pagbasa Abakada
Unang baiting, unang araw ng klase. Eto ang masarap sa pag-aaral, ‘yung umpisa! Lahat ng gamit, bago, liban nga lang kung bunso kang tulad ko, dahil ‘yung ibang gamit e pamana na lang ng mga kapatid mo. Ang sarap yata gumamit ng bagong notebook, pad paper, ballpen, lapis, pantasa, pambura, pencil case, paste, gunting, ruler, crayola, art papers, kokomban ( coupon bond), envelope, cartolina, lunchbox, water jug, kapote, at baglalo na ‘pag amoy pabrika pa! Hindi mawawala ang pasiklaban sa mga magkakaklase.
Note: Citations are based on reference standards. However, formatting rules can vary widely between applications and fields of interest or study. The specific requirements or preferences of your reviewing publisher, classroom teacher, institution or organization should be applied.
Normal lang ditto ang magkainggitan, lalo na ‘pag ang ibang bata e may Sesame Street® na pencil case, samantalang ang iba e plastic lang ng yelo ang lalagyan. May mga estudyante rin na mababango at amoy candy ang eraser, samantalang ang iba e binuhol na goma lang ang gamit. Meron ding kumpleto sa Tupperware™ na baunan, at meron din namang pandesal lang ang baon.
May mga gumagamit ng imported backpacks, at meron ding gumagamit ng mga fish nets. Halu-halo, makikita mo sa public school ang iba’t-ibang klase ng bata at iba’t-ibang katayuan sa buhay. Masarap ang Grade 1. Maraming bagong matututunan. Dito ako natutong magbasa ng isang buong paragraph, magsulat ng isang buong pangungusap, at mag-drawing nang matino.
Dati kasi kahit anong hayop ang i-drawing ko, nagmumukhang ipis. Natuto rin akong tumula, kumanta, at bumilang ng mabilis, 1 to 100! Ang sarap ng pakiramdam lalo na pag kaya mong mag-countdown from 100 to 1, o kaya e ‘yung tig-te-ten (10, 20, 30), o kaya tig-pa-five (5, 10, 15, 20).
Akala mo solusyon na sa problema ng mundo ang pagbibilang. “Bow-wow-wow,” ang tahol ni Tagpi. Tagpi!” ang sabi ni Pepe. “Habulin mo ang bola.” “Bow-wow-wow” sagot ni Tagpi. ‘Yan ang mga tipikal na mababasa mo sa libro. Malalaki ang letra n’yan tsaka malinaw ang pagkakasulat. Syempre sa umpisa, dadaanan n’yo ang Abakada (A, E, I, O, U: Ba, Be, Bi, Bo, Bu; Ka, Ke, Ki, Ko, Ku), tapos magiging words (Ba-ka, baka; Ba-hay, bahay; Ba-ba-e, babae).
Bilib sa ‘kin ‘yung teacher ko dati, mabilis kasi akong magbasa. Kaso nabuko n’yang kabisote lang ako nang basahin ko ang salitang “bahay” sa libro. “Kubo” pala ang nakasulat. Nanghuhula lang ako base sa pictures. Pero hindi biro ang pagbabasa, rite of passage ‘to pag natuto ka. Ibig sabihin nabinyagan ka bilang “literate”. Kay among magbasa ng mga kasinungalingan sa dyaryo, ng mga subtitles ng foreign movies, at mga vandalism sa upuan ng bus gaya ng “Bobo ang bumasa nito!”.
Isang araw, buwan ng Hunyo, sa isang public elementary school: Hinati ‘yung canteen, ‘yung kalahati room namin. Siguro mga 40 pupils kami.
39 lang ang upuan, at 30 lang ang ayos. Siyam ang magtitiyaga sa mga gumigewang na salumpuwit.
Jab bhi teri yaad aayegi song pagal world mp3. Free Download MP3 Jab Bhi Teri Yaad Aayegi Mp3 Song Download Pagalworld You can download list song below by selecting the title that matches what you want and then click download or play to play streaming, below is around 19 songs.
Mga Unang Hakbang Sa Pagbasa
Isa ang araw-araw na makikipag-Trip To Jerusalem. Isang istante lang ang naghihiwalay sa klase namin at sa mga kusinerang nagluluto ng sopas. Sa room na ito kami pinagdala ng laruan para ipakita sa klase. Show and Tell. Walang problema, seaman si Tatay. Nagdala ako ng AA battery-operated police car Walang kwenta, pero ‘yun ang dinala ko dahil ‘yun ang kasya sa bag kong maliit.
Comments are closed.